Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaloka oh! James ‘nakipaghalikan’ sa boylet  

0 185

Nabigyan ng ibang kahulugan ang ginawang paghalik ni James Reid sa isang lalake, matapos ang birthday message niya sa harap ng mga bisita, kung saan katabi rin niya ang naturang lalake na hinalikan niya sa pisngi.

Nag-viral ang video dahil sa inggit sa naturang lalake, na bongga rin naman dahil gumanti rin ng halik sa kanya, ha!

Nagtilian talaga ang mga tao sa ginawang `yon ni James. At

kinilig talaga sila sa kapilyuhan ni James.

Walang nag-aksya g panahong mag-research kung sino ang lalake, at ano ang kaugnayan nito kay James, kaya samut-saring reaction, at mga pagdududa ang mababasa sa kumalat na video.

Sabi ng isang kakilala namin na nag-send ng link ng video, fluid na talaga ang mga lalake ngayon.

Ang ibig sabihin ng ‘fluid’ ay puwede kahit kanino, o no-gender preference.

Wala kaming gustong sabihin sa video, lalo at namulat naman si James sa isang culture na hindi isyu ang beso-beso sa kanilang mga lalake.

Derek nanggigil sa nipple ni Ellen

Nanggigil talaga si Derek Ramsay sa ‘nipple’ ng misis na si Ellen Adarna.

Ganiyan ang puwedeng maibigay na interpretasyon sa caption ni Ellen sa Instagram, na nagpapakita ng video na nakayakap nang mahigpit si Derek sa asawa, at nakasubsob ang ulo nito sa dibdib ng controversial actress.

Nakahiga ang mag-asawa sa kama at parang bata si Derek sa kanyang posisyon at kinakamay ang buhok ng aktor.

“Someone here can’t wait to nibble and dribble ng tittles. @ramsayderek07 leave my tittles alone!!!” sabi ni Ellen.

Sabi naman ni Derek, “Hoy I’m not a boob guy. I just want to nibble.”

Ang nibble ay kagat. Ibig sabihin, nilaro lang ni Derek ang nipple ng asawa at kinagat-kagat lang nya ito.

Nagpasalamat naman si Ellen sa sarili at ayon sa kanya hindi kahiya-hiya ang sitwasyon nila ni Derek dahil maganda ang kanyang kilikili.

‘Yung mga ganitong lampungan nina Derek at Ellen, ang ikinaloloka ng mga netizen na madalas ay may sexual undertone.

Makikita sa video, kung gaano nag-enjoy sina Derek at Ellen, sa mga landian nila sa socmed kahit magkasama naman sila sa iisang bubong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.