Kaliwa’t kanang pustahan sa Finals

0 986

Umiinit pang lalo ang NBA Finals sa pagitan ng Toronto Raptors at defending two-time champion Golden State Warriors.

Kahapon nga ay nakatabla na ang Golden State 1-1 sa kabayanihan ng beteranong si Andre Iguodala na nagbaon ng pamatay na tres sa natitirang 5.9 segundo ng Game 2.

Panay ang kantiyawan at asaran ng mga magbabarkada, magkakaopisina, magkakapamilya sa championship series na ito.

Bukod diyan, kaliwa’t kanan din ang pustahan kung sino magcha-champion at kung ano’ng game ito magtatapos.

Maging ang inyong lingkod ay nakisali rin sa pustahan, taya po tayo sa Raptors 4-2. Hindi man ganun kalaki ang pusta, nakakadagdag naman ito sa excitement ng serye.

Pero mas matindi ang pustahan na nakarating sa atin. Kwento ng isa kong kaibigan, umaabot daw sa P100,000 ang pustahan sa kanilang opisina.

Hati-hati raw sila, mga lampas 10 daw ang pumusta at kung sino magcha-champion ay paghahatian nila ang 100 kiyaw.

Kaya nakakatuwa ang mga Pinoy, hindi naman sa pagiging sugarol, pero tala­gang intense ang pustahan.

Kahit naman noong nagdaang PBA Finals sa pagitan ng Magnolia Hotshots at eventual five-straight Philippine Cup champs San Miguel, madami rin akong nabalitaang nagpustahan.

Wala namang masama dito mga aka-Abante basta minsan lang at i-safety ang para sa pamilya.

Ang masama ‘yung mababaon ka sa utang para lamang meron kang maipusta tapos lagi ka namang talo.

Magkadikit ang sports at sugal, pero sana, mangibabaw pa rin ang excitement at sayang naidudulot ng palakasan at hindi ang pustahan.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...