Una sa Balita

Kaligtasan, seguridad ang prayoridad sa itatayong bus at food terminal

0 726

Good news ang naging pahayag nitong Martes, Hunyo 5 ni San Miguel Corporation President Ramon Ang na paglalaan ng P10 billion para sa construction at operation ng isinusulong na bus at food terminal sa dating puwesto ng Pandacan oil depot.

Ang planong bus at food terminal ng SMC ay katulad ng airport terminal kung saan ang kaligtasan at seguridad ng publiko ay bibigyang-prayo­ridad.

Ang Pandacan oil depot ay dating pina­ngasiwaan ng Petron Corp. Pilipinas Shell Petroleum Corp., at Chevron Philippines, Inc.

Itatayo ang terminal sa may Skyway Stage 3, ang kalyeng kasalukuyang itinatayo ng Citra Central Expressway Corp., na kokonekta sa South Luzon Expressway mula Buendia sa Makati City, at North Luzon Expressway sa Balintawak, Quezon City.

Ganitong klaseng proyekto ang kaila­ngan ng publiko at sana ay maisakatuparan sa lalong madaling panahon.

Mahalaga naman talagang may maayos, malinis at ligtas na bus at food terminal ang mga komyuters.

Sa kadalasang pagsisikip sa daloy ng trapikong ating dinadaanan araw-araw, aba’y tama lamang naman na matinong bus terminal ang ating dadaanan bukod pa siyempre sa may malinis na mga kainan dahil nagbabayad naman tayo ng tama.

Hindi sa minamaliit natin ang ilang nagkalat na bus terminal pero totoo namang kadalasan ay wala ka lamang choice kaya napipilitan kang pumunta sa isang bus terminal na kadalasan ay marumi na at nakakatakot pa ang lokasyon.

Kaya sa napipintong pagbubukas ng SMC ng bus and food terminal nakatitiyak tayong kahit naiipit tayo sa trapiko ay may mga ngiti pa rin sa ating mga mukha natin dahil tiyak na maaliwalas na pasilidad ang itatayo ng kompanya.

***

Maiba naman tayo mukhang wala nang awatan sa gagawing pagba-ban sa mga provincial bus terminal sa Edsa.

Ayon sa MMDA handa na nilang ipa­tupad ang provincial terminal bus ban hangga’t walang pagtutol na ibababa ang Korte Suprema.

Ibig sabihin nito ay dagdag hirap na talaga ang dadanasin ng ating mga kababa­yang galing probinsiya.

Sa ayaw at sa gusto nila ay kailangan nilang bumaba sa mga itatalagang terminal.

Ibig din bang sabihin nito ay magkakaroon ng dagdag pasa­nin sa pamasahe ang ating mga kababayan?

Huwag naman sana dahil mahihirapan na ang mga mangaggaling probinsya at magagastusan pa sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy