Una sa Balita

Kaligtasan ng mga taga-Mindanao sa naranasang lindol, ipagdasal

By
0 498

Nanawagan ang Simbahang Katolika sa publiko na ipagdasal ang kaligtasan ng mga mamamayan ng Tagum sa Mindanao kasunod ng naranasang mala­kas na lindol sa rehiyon noong Sabado.

Panalangin ni Bishop Medel Aseo sa Panginoong Diyos na manatiling ligtas sa panganib at banta ng lindol at tsunami ang maamamayan ng Mindanao.

Ipinagdasal din ng Obispo na mailigtas sa kapa­hamakan at mga sakuna ang mga tao lalo na sa mga biglaang kalamidad na hindi mababantayan ng tao tulad ng lindol.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, naitala ang 7.2 magnitude na lindol sa karagatan ng Davao Orien­tal mula sa lalim na 49 kilometro.

Pinag-iingat ni Solidum ang mga reidente sa Davao Oriental, Davao del Sur, at Sarangani na bantayan ang galaw ng karagatan dahil sa posibleng banta ng tsunami mula sa malakas na pagyanig sa ilalim ng karagatan.

Kabilang sa mga lugar na isinailalim sa tsunami alert ang Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Oriental, Davao City, Sarangani, South Cotabato, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy