Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kalibutan: The World in Mind itatanghal sa virtual Art Fair Philippines 2022

0 148

Ang VIVA ExCon, isang Visayas-wide biennale na nagsimula sa Bacolod City noong 1990 ay magkakaroon ng mas malawak pang-abot sa mga mahilig sa sining biswal dahil inimbitahan ito sa Art Fair Philippines na maging isa sa mga regional exhibitors nito.

Kasama nila angh Ibagiw Art Fest x Gallery 2600 (Luzon), Langgikit x Museo De Oro x Art Portal Gallery (Mindanao), at Lawig-diwa x Gallery Down South (Mindanao) sa makasining at malikhaing kaganapang ito/

Pahayag ni Ginoong Charlie Go, VIVA ExCon Chairman: “I think they find it interesting that we did VIVA ExCon during the pandemic. We are one of the longest-running biennales in the Philippines and in Asia. They want us to share what happen and how we navigated during the pandemic on a virtual platform. The pandemic was unprecedented, even we were challenged to do it. Despite the pandemic, our art here in Negros or VIVA didn’t waver.”

Sa loob ng tatlong dekada, nilibot ng VIVA ExCon Organization Inc. ang Visayan Islands, gumagawa at nagtatanghal ng mga art event sa mga isla ng Negros, Cebu, Panay, Samar, Leyte, Bohol, Guimaras, Siquijor, at Boracay para mas lalong gpalakasin ang presensya, pagkilala at pagtangkilik sa mga likha ng mga arts group sa rehiyon ng Bisaya.

Dahil sa kanilang dedikasyon at pagpupunyagi para sa sektor ng sining biswal, ang VIVA ExCon ay organisasyon ay kinilala at hinirang ng National Commission for Culture and the Arts at sila ang naging “basehan at pamantayan para sa mga lokal na hakbangin sa pagbuo ng mga panrehiyong pagdiriwang ng sining sa Mindanao at Luzon.”

Ang VIVA ExCon, katuwang ang Negros’ Orange Project, ay dadalhion sa Art Fair Philippines 2022 ang sining biswal eksibisyong Kalibutan: The World in Mind.” Mangyayari ito virtually.

Ang eksibisyon ay pinamumunuan ng punong tagapangasiwa nito, si Patrick D. Flores, kasama ang anim pang rehiyonal na tagapangasiwa: Mars Briones, Guenivere Decena, Jay Nathan Jore, Liby Limoso, Nomar Miano, at Maria Taniguchi.

Ang Kalibutan: The World in Mind ay isang eksibisyon na tungkol sa kamalayan at sa mundong ating ginagalawan at nakatakdang itampok ang 18 art project ng mga artistang Bisaya at iba pang malikhaing Pilipino mula sa ibang bansa.

Ayon sa mga tala ng eksibit, “ang pamagat ng subsidiary ay tumutukoy sa kalagayan ng pagiging nasa mundo, ang pangkalahatang iniisip tungkol sa buong mundo, at sa kung paano ito ay ay pinangangalagaan nang may pag-iingat gayundin nang may pagkabalisa, pagmamahal, o kahit na pagkahumaling. Kinikilala ng Mindfulness of the world ang pakikipagsabwatan sa paggawa nito gayundin ang kawalan ng katiyakan ng kalawakan nito.”

Ang Art Fair Philippines 2022 ay magaganap ngayong Marso 23 hanggang Abril 1.

Para sa iba pang impormasyon, maaring bisitahin ang official webpages ng VIVA ExCon Dasun Bacolod x Orange Project.

Leave A Reply

Your email address will not be published.