Una sa Balita

Kalerky! Yam nagpakita ng ari

0 875

Todo-promote nga si Yam Concepcion para sa upcoming movie niya na “Nightshift”. Sukdulang magpakita na siya ng ari ay gagawin niya para lang magka-ingay ang kanyang pelikula!

Pero, don’t get me wrong. Oo, nagpakita nga ng ari si Yam, pero hindi kanya, kundi ari ng isang bangkay sa photo niyang pinost sa IG.

Sa kagustuhang ipakita ni Yam kung gaano siya katapang na harapin ang aktingan sa isang horror movie, kinaya nitong tabihan ang isang bangkay nga. Tipong nagtatrabaho siya rito sa morgue kaya’t nakabulatlat sa harapan niya ang bangkay ng isang lalaki, na hubo’t hubad nga, dahil kailangang embalsamuhin bago ilagay sa kabaong.

Nakakabilib nga naman ang pagkakagawa sa prosthetics ng “Nightshift” upang ipakita ang nakabulatlat na laman-loob ng isang bangkay. Proud nga itong ipinakita ni Yam sa kanyang photo kasama ang bangkay.

Pero ‘di nakaligtas sa mga netizen na mapansin ang ari ng lalaking bangkay.

“Grabe! Patay na pero ‘yung etits buhay na buhay! Hahaha!” say ng isang netizen.

Sa sumunod na photo ni Yam ay blurred na ang ari ng bangkay, para na rin siguro hindi ma-lerky masyado ang kanyang mga followers. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More