Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kalei trip suntukan

0 130

HINDI lang pang-volleyball, pang suntukan pa!

Ito ang eksena ngayon ni volleybelle Kalei Mau nang maispatang aligaga sa pagsa-shadow boxing.

Ibinulgar kasi mismo ng teammate niyang si Majoy Baron sa Instagram story na sobrang hyper sa pagpapakawala ng suntok ang Fil-American volleyball star sa loob ng kanilang hotel room.

“Naging boxer na talaga,” caption ni F2 Logistics Cargo Movers star Baron sa video ni Kalei.

Mula nang matapos kasi ang 2021 AVC Asian Women’s Club Championships sa Thailand ay panay na ang kulitan ng dalawa sa hotel kung saan ibinabahagi din nila ang kanilang mga ganap sa social media.

Inaasahang magsasama muli ang dalawang balibolista sa darating na Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.