Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kalei papatigas sa AVC volleyfest

0 63

Nasasabik na pumalo ang Hawaii-born Filipino-American na si Kalei Mau kasama ang mga miyembro ng Philippine Women’s Volleyball Team kaya hindi ito nagpaawat sa kanyang sariling pagsasanay habang naghihintay sa nalalapit nitong pagtungo sa Nakhon Ratchisima sa Thailand.

“I am always so grateful to come home and have the resources and people to help me Get Better! Not being able to train with the Philippine National team in preparation of the upcoming tournament makes me want to work much even harder on my end,” saibi nito sa Instagram post.

Una nang nangangamba ang 6-foot-1 power hitter at isa sa naglilibot sa buong mundo sa paglalaro sa volleyball na si Kalei hinggil sa tsansa nito na makasabak para sa Pilipinas sa AVC Asian Women’s Club Championship.

Wala na rin kontrata sa kasalukuyan ang F2 Logistics spiker at isa na itong free agent matapos na makapaglaro para sa national women’s volleyball team sa prestihiyosong Asian tourney na gaganapin sa Oktubre 1 hanggang 7. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.