Kalei muling nagpainit

PINAINIT na naman ni volleybelle Kalei Mau ang social media nang mag-post ito ng seksing larawan sa kanyang Instagram account.
Nagmistulang dyosa ng karagatan si F2 Logistics Cargo Movers star matapos ibahagi ang kurba suot ang see-through bathing suit habang naka-posing sa dagat.
“Body by @kaleihuluhealth,” caption ng balibolista sa nasabing ‘alindog post’.
Mapapansin na fit na fit ang wankata ng dalaga dahil mula nang umuwi ito sa kanyang tahanan sa Hawaii ay todo workout na ito kasama ang kanyang pamilya. (Aivan Episcope)