Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kalei, Choco 6th sa AVC

0 111

TUMAPOS bilang sixth placer sa 2021 AVC Asian Women’s Club Championship si Kalei Mau at ang Choco Mucho matapos tumiklop sa classification match kontra Zhetyssu ng Kazakhstan, 14-25, 11-25, 23-25, Huwebes sa Terminal 21 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Bigong lumapag ang Choco Mucho sa ikalimang puwesto ng torneo makaraang mawalis ng Zhetyssu via straight sets.

Sa second frame, mula sa five-point lead ng Zhetyssu, tatlong sunod na puntos ng Choco Mucho ang nagpadikit sa laban, 8-10. Matapos nito, tuluyan nang bumomba ang opensa ng Kazakhstan at hindi na lumingon pa.

Pagsapit ng third stanza, 19-23 lamang ang Zhetyssu, humabol ang Choco Mucho kung saan naitabla ni Ria Meneses ang iskor sa 23-all.

Sumagot agad ang Zhetyssu at lumamang ng isa, 24-23. Nagwakas ang laban sa pagitan ng dalawang koponan matapos ang attack error mula kay Mau.

Samantala, tumapos naman sa huling puwesto ng one-week championship ang kampo nina Majoy Baron at ng Team Rebisco. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.