Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kalei, Cargo Movers aariba sa Nobyembre

0 129

BALIK na sa ensayo kasama ang F2 Logistics Cargo Movers si volleyball stalwart Kalei Mau.

Sa kanyang Instagram story, ilang mga video ang ipinasilip ng 26-year-old volleybelle sa ginagawang pagpapakondisyon ng Cargo Movers na huling humampas noong 2019 sa Philippine Superliga Grand Prix.

“F2 gang or die,” caption ng sikat na balibolista sa kanyang kahiwalay na IG story kasama si middle blocker Majoy Baron.

Magugunita na pumalo kamakailan si Mau sa 2021 AVC Asian Women’s Club Championship sa Thailand kasama ang national women’s volleyball team.

Inaasahang aaksiyon si Mau at ang Cargo Movers sa Philippine National Volleyball Federation’s (PNVF) Champions League sa darating na Nobyembre. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.