Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kalei bobomba uli sa women’s squad

0 105

IBINAHAGI ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Tats Suzara na solido para sa national team si acce skipper Kalei Mau sa hinaharap.

Isiniwalat ni Suzara sa “Power and Play” ni former PBA commissioner Noli Eala ng Radyo Singko, na papalo umano ang 6-foot-2 open spiker sa Turkey.

Magugunita na bago humampas kasama ang national women’s volleyball team sa 2021 AVC Asian Women’s Club Championship sa Thailand, naglaro muna si Mau sa Puerto Rico kasama ang Changas de Naranjito.

“Our Fil-Am Kalei Mau, she played in Puerto Rico and I heard she is also going to play again somewhere in Europe, in Turkey,” lahad ni Suzara kay Mau.

Idiniin ni Suzara na nakatuon ang 26-year-old volleybelle sa national team na aaksiyon sa ilang mga torneo sa susunod na taon.

“She is now keen on getting the schedule of the national team,” sey ni Suzara.

Kapiling ni Mau, wala pang opisyal na anunsiyo patungkol sa kanya umanong paglaro Turkey, ang national squad na bumiyahe pabalik ng Maynila nitong weekend matapos ang kanilang paghampas sa Thailand. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.