Una sa Balita

Kalei, Ara binalik sa Finals ang F2 Logistics

0 263

RAPSA!

ABANTE sa finals ang powerhouse F2 Logistics matapos silang akbayan ni Fil-American Kalei Mau sa 25-19-25-23, 17-25, 25-19 panalo kontra Foton Tornadoes sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si 24-year-old Mau ng 16 points mula sa 14 attacks at tig-isang block at service ace para sa Cargo Mo-vers na napalaban nang todo sa fourth set.

Nakipagtulungan si 6-foot-2 Mau kina Ara Galang, Aby Maraño at Kim Dy upang makauna ng dalawang set na panalo.

Pakay ng Cargo M­overs na walisin sa tatlong set ang Foton subalit nabigo sila nang mag-init ang opensa nina Jaja Santiago, Dindin Santiago Manabat Ivy Perez.

Hindi nagpasindak ang Tornadoes, nagsanib-puwersa sina Santiago, Manabat at Perez para humaba ang kanilang hininga at makahirit ng fourth set.

Sinikap ng F2 Logistics na umarangkada agad sa pagbubukas ng set 4, nakalamang sila ng 3-0 pero nakahabol pa rin ang Tornadoes at naitabla nila ang iskor sa 7-all.

Samantala, nag-aabang ang F2 Logistics ng makakalaban sa finals, dahil kasalukuyang nagbabanatan sa isang pares ng semis ang Petron Blaze Spikers at Cignal HD Spikers sa second game habang isinusulat ang balitang ito.
Muling nagbalak kumalas ng F2 Logistics, humataw ng tatlong sunod na puntos para hawakan ang 10-7 bentahe.

Muling humabol ang Tornadoes at naagaw nila ang unahan, 14-13 mula sa kill ni Shaya Adorador.

Pero hindi nasira ang diskarte ng Cargo Movers, kumarga sila ng 7-0 run kasama ang back-to-back points ni Mau para mabawi ang bentahe, 20-14 at tapusin ang laro sa fourth frame. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy