Una sa Balita

Kalei, Aby, F2 Logistics titibagin ang Sta. Lucia

0 270

Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena)
4:00pm — Generika-Ayala vs Cignal
6:00pm — F2 Logistics vs Sta. Lucia

MANANATILING pangunahing ins­trumento sa opensa ng F2 Logistics Cargo Movers si Fil-American Kalei Mau pagharap nila sa Sta. Lucia Lady Realtors sa knockout quarterfinals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tumapos ng 12-2 ang Cargo Movers­ sa eight-team double round robin sa preliminaries, nagtala mula ng 11 sunod na panalo bago nakatikim ng talo.

Lumasap ang F2 Logistics ng dalawang sunod na talo matapos yumuko sa Petron Blaze Spikers at PLDT Home Fibr Power Hitters bago humataw ng panalo sa Cignal HD Spikers sa pagtatapos ng preliminaries.

Magsisimula ang bakbakan sa ala-6:00 ng gabi.

Ayon kay F2 Logistics head coach Ramil de Jesus itotodo nila ang kanilang lakas laban sa Lady Realtors kaya naman bukod kay Mau huhugot siya ng puwersa kina Aby Maraño, Majoy Baron at nagbabalik larong si Kim Fajardo.

“The most dangerous opponents are those with nothing-to-lose and everything-to-gain mentality,” patungkol ni de Jesus sa kanilang kalaban na Lady Realtors na may 2-12 win-loss mark.

“Definitely, we won’t take them lightly. We know that anyone in this competition is capable of achieving something big.”

Sakaling manalo ang Cargo Movers,­ makakaharap nila sa semifinals ang Foton Tornadoes na tinalo ang PLDT sa quarters.

“We won’t look too far ahead of us,” hayag ni de Jesus. “The most important thing to do right now is to focus on what’s ahead of us.” 

Samantala, magtatapat sa alas-4:00 ng hapon ang Cignal at Generika-Ayala Lifesavers. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy