Una sa Balita

‘Kaldero’ ni Cayetano kadiri na!

0 457

NAGBABALA ang gobernador ng Tarlac na magdadalawang-isip na ang mga opisyal ng gobyerno, pati na ang mga atleta na gamitin ang New Clark City sa bayan ng Capas matapos itong gawing quarantine site ng 30 Pinoy na inuwi ng gobyerno mula sa Wuhan, China, ang epicenter ng 2019 novel coronavirus kung saan higit 900 katao na ang namatay.

Ayon kay Tarlac Gov. Susan Yap, kahit na i-disinfect ng Department of Health (DOH) ang Athlete’s Village sa NCC pagkatapos ng 14-day quarantine ay hindi pa rin mawawala ang takot ng mga tao na mahawaan sila ng virus.

“May stigma that will linger doon sa facility. New Clark City was designed as the house of the national government agency, as sports hub. Ngayon naging quarantine siya. Si­yempre ‘pag may mga event diyan, magdadalawang-isip ka.” saad ni Yap.

Isiniwalat pa ng gobernador na base sa pag-uusap nila sa mga opis­yal ng DOH, hindi na muling gagamitin na quarantine site ang NCC dahil patapos na ang ginagawang pag-repair sa rehabilitation facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.

“Ang pinaghahandan ‘yung mega rehab doon sa Fort Magsaysay,” ani ni Yap
Sinabi pa nito na gumawa na dapat ng permanenteng rehabilitation facility ang DOH mula nang pumutok ang Severe Acute Respiratory Syndrome noong 2003.
“Dapat naging prepared na tayo,” giit ng gobernador.

Ang NCC ay ginastusan ng Bases Conversion Development Autho­rity ng P10 bilyon ng bata ni House Speaker Alan Peter Cayetano para magamit sa nakaraang Southeast Asian Games.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More