Una sa Balita

Kalayaan, karapatan sa kalye ng rider

0 316

Dear Abante,

Magandang araw sa inyong lahat… ibabahagi ko lamang ang aking kaisipan tungkol sa pagbabawal ng motor sa mga national road ng MMDA. Sana linawin nila kung lahat ba ng national road bawal umarangkada ang motor.

Mahirap isipin kung lahat ng national road ay bawal ang motor, paano at saan na dadaan ang motor papunta sa kanilang destinasyon. Eh paano kung ‘yon lang ang alam na daan sa main road ng rider, eh ‘di nagkaligaw-ligaw na siya. Kawawa naman.

Kaya nga bumili ng motor para makatipid at makarating nang maaga sa pupuntahan pero pinapahirapan naman ng mga enforcer.

Parang masyado naman nilang pinag-iinitan ang motor. Hindi naman ganoon kalaki ang porsiyento sa trapik ang motorsiklo kahit na nasa EDSA ito.

Masyado yatang malabo ang kanilang pag-iisip sa pagbabawal ng motor sa main road, labag sa batas at sa human rights angpanukalang pagbabawal.

Pinagkakait ninyo ang pagkapantay-pantay at kalayaan sa daan para sa mga rider, malaki man o maliit pareho lang ang karapatan sa kalsada pero bakit ngayon pilit binabago.

Sabi nga ni Abraham Lincoln: “Those who deny freedom to others deserve it not for themselves.”

At ayon din kay Emilio Aguinaldo: “You can deny me foods, shirts, even shelter; but once you deny me freedom, you’re creating a revolution.”
Bega Pors ng Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More