Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaladkaren kay Sen. Bato: ‘Hanap ka rin ng ibang trabaho’

0 1,360

Hindi nangimi si Kaladkaren Davila na sagutin ang payo ni Sen. Bato dela Rosa sa mga emplyeado ng ABS-CBN (na mawawalan ng trabaho sa sandaling hindi mabigyan ng prangkisa), na “Hanap ng ibang trabaho para mabuhay at magsumikap. May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo.”

Idinaan nga ni Kaladkaren sa Twitter ang pagsopla, o pagsagot niya kay Sen. Bato.

“Mr. Senatog, bagay din po sa inyo itong statement niyo. May iba pa pong trabaho. Hanap na lang po kayo ng iba!” sabi ni Kaladkaren.

Marami naman sa follower ni Kaladkaren ang nag-agree sa sinabi niyang `yon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.