Una sa Balita

Kalaboso sa pagnanakaw ng sisiw

By
0 6

BALAOAN, La Union — Pormal nang sinampahan ng kasong robbery ang isang magsasaka na diumano’y sangkot sa pagnanakaw ng mga sisiw sa bayang ito.

Kinalaboso ng mga awtoridad si Jesus Valdez, 26-anyos, residente ng Barangay Butubot Norte ng bayang ito matapos na makita sa likod ng kanyang bahay ang 15 na sisiw ng manok.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, napansin mismo ng helper ng isang farm na nasira ang pintuan ng kulu­ngan ng mga manok kaya kaagad niya itong ipinaalam sa may-ari.

Dahil si Jesus ang isa sa mga hinihinalang nasa likod ng pagkawala ng mga sisiw ay tinungo nila ang kanyang bahay kung saan natagpuan ang nawawalang mga manok.

Kaagad nila itong ipinaalam sa mga opisyal ng barangay at pulis na nagresulta sa pagkakahuli ni Valdez na nananatili pa rin ngayon sa kulungan.