Una sa Balita

Kakie Pangilinan markado na sa Canada, Australia

0 401

Ang bongga ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan, na kahit subsob siya sa pag-aaral sa New York, may career rin siya sa Pilipinas bilang singer.

Wala yatang kamalay-malay si Frankie “Kakie” Pangilinan na successful ang kanyang unang single, “TYL,” na kung saan ay nagmarka nga sa digital charts sa Canada, Australia at Philippines.

At heto nga, may second single na naman siya, ang “Battlescars”. Ang kantang ito ay sinulat mismo ni Kakie herself at produced by the hit-making tandem of Brian Lotho and Chrisanthony Vinzons of Sonic State Audio, the same production team behind some of IV of Spades’ hit songs, is now available in all digital platforms worldwide released under Curve Entertainment Inc.

Well, sa presscon ni Mega last two weeks ago sa ABS-CBN, kasama nga niya si Kakie, at nakatsikahan namin nito. At nakakatuwa siyang kausap, dahil sagot lang siya nang sagot, at nagugulat nga raw siya sa atensiyon na ibinibigay sa kanya, matapos niyang mag-tweet tungkol sa magandang sitwasyon ng pamilya niya, lalo na sa pagsasama ng mga magulang niya. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More