Una sa Balita

Kakayahan ‘di pera ang basehan ng publiko sa halalan — Robredo

By
0 772

HINDI man kilala ang mga kandidato ng ­oposisyon, tiwala si Vice President Leni Robredo na bibigyan sila ng pagkakataon ng taumbayan sa darating na eleksyon, dahil sa napatunayan na silang matitino at mahuhusay.

Dumalaw si VP Leni sa iba’t ibang bahagi ng Laguna nitong Miyerkoles (Marso 6), upang ma­ipakilala sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ang mga kandidato ng Otso Diretso—walong lingkod-bayan mula sa iba’t ibang partido at karanasan, na marami nang napatunayan sa serbisyo-publiko.

Ayon sa Pangala­wang Pangulo, alam niyang malaki ang pagpapahalaga ng mga botante sa husay ng mga kandidato, kung mabibigyan lamang ng pagkakataon na makilala sila. Aniya, pareho ito sa kanyang naging tagumpay noong 2016, kung saan uma­ngat siya “from 1% to Vice President.”

“Hindi pera ang pinakamahalaga. Ang mahalaga, magpakilala sa tao, dahil ang tao, pipiliin iyong pinakamabuti para sa kanya,” wika ni VP Leni.

“Kapag ang tao ay binibigyan ng pagkaka­taong pumili, iyong pipiliin niya iyong tingin niya na mabuti. Kahit anong pang-aalipusta, talagang ang pipiliin nila iyong mas mabuti,” dagdag pa niya.

Lubos na naniniwala si VP Leni sa mga kandidato ng Otso Diretso, na kamakailan lang ay pinulaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing “diretso sa impyerno,” dahil sa pagtuligsa nito sa mga maling polisiya ng kanyang administrasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy