Una sa Balita

Kaka And Bachi mapapalaban

0 316

UMAATIKABONG bakbakan ang masisilayan ng mga karerista sa magaganap na Group Race Merged na pasisibatin sa pang-apat na karera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Mapapalaban si Kaka And Bachi sa magkakamping Yes Kitty at Raxa Bago paglarga ng karera na may distans­yang 1,400 metro.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey Of the Year awardee Jessie Guce si Kaka And Bachi.

Bukod kina Yes Kitty at Raxa Bago, makakalaban din ni Kaka And Bachi ang tigasing sina Since When, El Mundo, Sari Baby at King Jeff.

Samantala, pitong kabayo rin ang magtatagisan ng bilis sa Condition Race Category 18 na ilalarga sa unang karera.

Tiyak na markado sa mga liyama­dista ang Mahogany at Del Monte, pero ayon sa mga karerista ay hindi sila nakasisiguro sa laban. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More