Una sa Balita

Kaisa ang Antipolo City sa Manila Bayanihan

0 524

NAKIBAHAGI ang lokal na pamahala­an ng Antipolo sa sabayang clean-up drive ng mga sapa, estero, at ilog na patungo sa Manila Bay noong Enero 27, 2019 bilang suporta sa National Launching of Manila Rehabilitation ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangu­nguna ni Secretary Roy A. Cimatu.

Tinatala ang nasa  350 na tao ang dumalo sa programang ito. Nagtipon-tipon ang mga vo­lunteer sa Southville 9, Boso-boso Ri­ver, Brgy. San Jose at Pinugay, Antipolo-Baras, Rizal.

Ayon kay ­Ma­yor­ Jun Ynares, suporta­do ng Antipolo City ang layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng administrasyong Duterte na isai­lalim sa matinding rehabilitasyon ang Manila Bay kasunod ng matagumpay na pagsasa-ayos ng Boracay. 

Naniniwala rin si Ma­yor Ynares na bago natin linisin ang Manila Bay, dapat din pagtuunan ng pansin ang  mga ilog, este­ro at mga dalu­­yan ng tubig na konektado dito. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng paglilinis ng mga ito ay nakakapag-ambag tayo sa layuning buhayin muli  ang ganda ng Manila Bay.

Sabay-sabay na nagpulot ng basura at nagtanggalng burak ang  mga kawani mula sa City Environment and Waste Management Office (CEWMO), Barangay San Jose, Munisipalidad ng Baras, Provincial Environment and Natural Resources (PENRO), DENR-Mines and Geo-sciences Bureau 4A (MGB), at ng Eastern Rizal ­Miners Association (ERMA).

Samantala, kinilala naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lungsod ng Antipolo bilang Hall of Famer ng Manila Bayani Awardnoong 2018 dahil sa walang tigil nitong pagpapatupadng mga pangkalikasang programa katulad ng Linis-Creek Program sa 16 na barangay sa lungsod.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy