Una sa Balita

‘Kailanman hindi ako kokonsulta kay Topacio’ – Koko

0 475

Tinanggap ni Senate Trade, Commerce and Entrepreneurship Committee Chairperson Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimen­tel III nitong Martes ang pagharap sa kanya ng kasong diskuwalipikasyon ng notoryus na abogadong si Ferdinand Topacio sa Commission on Elections (Comelec).

“Isa lamang itong paraan upang mairesolba ang isyu na mahalaga para sa ating mamamayan,” pahayag ni Pimentel.

Gayunman, mariing itinanggi ng PDP Laban President na kumonsulta siya kay Topacio tungkol sa isyung legal na hinaharap kaugnay ng kanyang reeleksiyon at iginiit pang hindi siya kailanman hihingi ng pananaw sa isang abogadong higit na kilala sa pamemersonal kaysa ang maipanalo ang mga kaso.

“Walang katotoha­nan sa pahayag ni Atty. Topacio na kumonsulta ako sa kanya tungkol sa mga isyung legal na bumabalot sa aking kandidatura. Sa buong buhay ko, hindi ako humingi ng opinyong legal kay Atty. Topacio.

Binatikos din ni Pimentel ang argumentong sinimulan ni Topacio kontra sa kanyang reeleksiyon at sinabing hindi siya pinagbabawalan ng Saligang Batas na lumahok sa May 2019 midterm election.

Sinabi pa ni Pimentel na nakahandang sagutin ng kanyang mga abogado ang petisyon ni Topacio at hihilingin nila ang mabilisang dismissal nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy