Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kailangan higpitan ang diskarte

0 60

May ibig sabihin kaya ang panaginip kong ‘to? Nakita ko raw kasi ang sarili ko na may kinakalikot sa pader ng likod-bahay namin tapos may lumabas daw na honey doon, may pailan-ilan din na bubuyog pero parang pinabayaan lang ako sa ginawa ko. Maya-maya dumating daw ‘yung dalawa kong katrabaho tapos tinanong lang kung ano ang ginagawa ko. Hindi ako nakasagot tapos nagising na ako dahil ang weird ng panaginip ko. Sana masagot mo anong pinapahiwatig nito. Salamat.

– Michael

Isa itong sign na sa mga darating na panahon ay may makakaharap kang problema pero huwag mag-alala dahil ang mga taong nasa paligid mo ay susuporta sa iyo.

Nangangahulugan din umano ito na gusto mong maramdaman na minamahal ka o espesyal ka para sa isang tao. Ang nanaginip din ng tungkol sa honey ay maaaring magsagawa ng kanilang spiritual journey para mahanap ang bagay na hindi nakikita ng mata o mula sa materyal na source.

Ipinapakita rin ng bubuyog na nakita mo na kailangan mong mag-effort para magtagumpay ka o makuha mo kung ano ang hinahangad mo.

Kung tingin mo naman ay ginagawa mo na ang lahat ng iyong makakaya, well isang magandang sign na ang panaginip mo para matiyak na mapapasaiyo ang magagandang opurtunidad.

Maituturing na rin itong hudyat para mas magtiwala ka sa iyong sarili at planuhin na ang mga susunod mo pang hakbang. Kung sa iyong career o trabaho, magiging mahalaga ang susunod mong desisyon para sa papasukin mong yugto o hihilinging taas sa sahod.

May kinalaman din ito sa mga katrabaho na nakasama sa iyong panaginip. Sinasabi kasi nito na mabibigyan ka ng isang mahalagang role sa inyong kompanya at dapat mo itong paghandaan dahil magiging mabigat ang iyong gawain.

Gawin ang diskarte na maipapakitang isa kang hard worker at maparaan ding empleyado.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.