Una sa Balita

Kailangan ang pool ng mga naturalized player

0 329

KAMUSTA ang ating Gilas Pilipinas?

Habang isinusulat ko ito mga ka-Abante ay hindi pa tapos ang resulta ng harapan ng ating pambansang koponan at ng Angola. Pero balikan natin ang una nilang dalawang laban.

Oo nga’t hindi naging maganda ang kinalabasan ng mga laban na ito, alam naman natin na hindi sila sumusuko.

Natatalo pero hindi susuko! Tambak tayo lagi, hindi lang isang buwan, halos dalawang buwan ang lamang sa atin.

Ano ba kasi ang kulang sa atin?

Given na malalakas ang mga nakaharap ng Gilas pero hindi ba talaga natin sila kayang tapatan? Hindi ba kaya na oo talo tayo pero sana mas maliit ang lamang?

Siguro sa ngayon mga ka-Abante, mahihirapan talaga tayo, ngunit sabi nga nila hirap muna bago ang sarap. Kailangang pagdaanan ang hirap, para mas masarap kapag hawak mo na ang tagumpay.

Iba pa rin ang pinaghirapan!

Kung tutuusin, hindi talaga sapat ang oras na inilalaan ng Gilas para makapaghanda sa ganitong klase ng torneo? Mas solid siguro sila kung anim na buwan o kahit all year round ang ensayo para sa mga competition na ito lalo pa nga’t World Cup na ito.

Hindi madaling makuha agad ang chemistry, alam naman natin na naglalaro sila sa iisang liga pero para sa mgakakaibang team. Sanay sila na kalaban ang isa’t isa, hindi kakampi ang isa’t isa.

Paano kaya mga ka-Abante kung may aalagaan na tayong pool of players para sa international tournament, ‘yung tipong may players na tayo na inaalagaan na anytime na kailangan nang sumabak sa laban ay ready talaga at walang biglaang adjustments na mangyayari.

Sa sitwasyon kasi natin ngayon, kung kailan lang may nalalapit na laban ay saka pa lang maghahanap ng possible players na bubuo sa team natin.

Isa rin kasi sa dahilan ay ang commitment nila sa kanilang mother teams, mahirap naman ‘yung naglalaro at nag-eensayo sila kasama ang mother teams nila tapos ay another practice naman para sa Gilas, pero kung totoo naman ang puso na meron ang manlalaro para sa ating bansa ay hindi na magiging usapin pa ang pagdo-doble kayod sa ensayo.

Oras ang kalaban natin, oras rin ang kailangan natin. Pero naisip ko lang din mga ka-Abante, paano kaya kung pati mga naturalized player ay asikasuhin na rin natin agad, bakit hindi kaya tayo gumawa ng pool din para sa set of naturalized players?

Tutal, marami ang nagpapakita ng intensyon na maglaro para sa bansa natin. Hindi ba mas magiging pabor ‘yun para sa atin? Para hindi na tayo mamroblema pa kung sino ang magiging reinforcement natin sa international games, lalo pa ngayon, laman ng bawat istorya si Andray Blatche, maraming nagsasabi na kailangan na siyang palitan.

Naging malaki ang ambag ni Blatche sa ating koponan kaya naman deserving siya na makakuha ng respeto mula sa atin, pero sabi ng iba, his time is up, iba naman! Ang daming pangalan ang lumulutang, andyan sina Justin Brownlee, Chris McCollough.

Bakit hindi tayo bumuo ng pool para sa mga naturalized players?

Na kahit ano pa mang laro ang sasalihan natin ay mas mabubunot agad tayo na galing mismo sa satin, ang nakuha na agad ang sistema ng laro natin.

Pool para sa local players plus pool para sa naturalized players, hindi ba’t okay ito? Mas maaaral ng mga manlalaro natin ang sistema na kailangan nila para maging matagumpay sa kampanya nila sa iba’t ibang international games na kanilang lalahukan.

Sana ay magkaroon tayo ng ganitong pool at all year round na training, lalo na at tayo pa ang host para sa FIBA World Cup 2023, mas masarap makaabot sa dulo ng liga kaysa maging host lang, hindi ba? Kaya laban Pilipinas, Puso!

Patuloy po ninyong suportahan ang Sportalakan, Martes, 6pm. Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy