Una sa Balita

Kailan officially natatapos ang Kapaskuhan?

0 680

Marami ang nagtatanong kung kailan talaga natatapos ang Kapaskuhan at tamang panahon upang tanggalin ang mga Christmas decor. Ayon kay Fr. Paul J. Marquez, “The Phi­lippines has the longest Christmas season in the world, with our celebration extending to the feast of Santo Niño.”

Gayunman ayon sa revised Roman calendar ng simbahan, “Ordinary Time begins on the Monday which follows the Sunday occurring after January 6 and extends up to and including the Tuesday before the beginning of Lent.”

Sa ‘ordo’ o librong batayan ng pagdiriwang ng mga misa ‘Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon’ ang Enero 20, 2019 o Kapistahan ng Sto Niño.

Samakatuwid, kung susundan ang talaarawan ng simbahan, sa Ene­ro 13, Linggo, pagkatapos ng selebrasyon ng Traslacion ng Nazareno na ang ‘Kapistahan ng Pagbibinyag kay He­sukristo’ o ‘First Sunday in Ordinary Time’ kaya’t balik luntian na naman ang kulay na suot ng pari sa misa sa mga susunod na araw.

Saad ng Simbahan, “Christmas officially begins on midnight of December 24” ngunit hindi malinaw kung kailan ito dapat magtapos. May problema sa angkop na obserbasyon ng Pasko dahil takipsilim pa lamang ng December 24 ipinagdiriwang na ang ‘midnight mass’ sa ilang lugar. Hindi tukoy kung kailan ‘formally’ natatapos ang ‘Christmas season’ dahil sa mga extension ng Kapaskuhan sa iba’t ibang bansa tulad sa Pilipinas — bagay na hindi alinsunod sa turo na ‘Epiphany’ o ang Pista ng Pagpapahayag ng Panginoon bilang pormal na ending ng Pasko.

Marahil kailangang balikan ang history ng ‘Epiphany’ na pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagbisita ng tatlong pantas. Ayon sa simbahan, nagkakaroon ng pagkalito dahil sa samu’t saring interpretasyon sa mga katagang ‘pagpapakita ng Panginoon.’ Apat kasi ang mga pangyayari sa buhay ni Kristo na maaaring ituring na paghahayag ng Diyos ng Kanyang sarili o ‘theophany’ viz. ang Kapanganakan ng Mesiyas, ang Pagbisita ng mga pantas, ang Pagbibinyag kay Hesukristo at Unang milagro sa Cana — lahat ay maituturing na Epipanya ayon sa mga dalubhasa.

Dito nag-uugat ang problema sa pagtatalaga ng katapusan ng ‘kapanahunan ng Pasko’ depende sa kalendaryo na sinusundan ng liturhiya ng lugar, east vs. west! Kaya’t kung katapusan ng Pasko ang pag-uusapan kailangang maging malinaw ang ilang bagay: Una, kung ‘Kapis­tahan’ ng Pasko ang topic, tradisyunal itong natatapos sa ‘Octaba’ ng kapanganakan ni Kristo o Enero 1 na Pista naman ng Ina ng Diyos. Ikalawa, ang tugatog na ang ‘Christmas season’ ay ang ‘Ephiphany’ o katapusan ng tanyag na ‘12 Days of Christmas.’ Hanggang sa araw na ito lamang dapat manatili ang mga Christmas decoration natin!

Ergo, sa buong mundo ang Pista ng Pagpapahayag ni Hesukristo sa Sangkatauhan o araw ng ‘tatlong hari’ ang opisyal na pagtatapos ng Kapaskuhan ngunit sa Pilipinas at ilang bansa sa silangan maaring ipagdiwang ito hanggang Pebrero 2 o ‘Pista ng Candelaria.’ Talagang ‘extended’ ang Christmas season sa ating bansa dahil sa paggunita sa Piyesta ni Sto. Niño na itinuturing na bahagi pa rin ng ‘mga araw ng pagbubunyi at pasasa­lamat.’ Sa kasaysayan ang nasabing icon ang dahilan kung bakit tayo mga Katoliko ngayon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy