Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kailan ba dapat magpatingin

0 107

Sa sari saring simpleng karamdaman, may sari-sari ding remedyo. May mga mahirap at talagang teknikal, mayroon din naman mga simple lang, kung minsan ang iba ay mga nakikita sa ating mga bahay, kaya natawag na home remedies. Sa masamang pakiramdam, andyan ang sabaw o sopas ni nanay, sa masakit na tyan andyan ang langis at himas ni tatay. Kadalasan naman, mabilis humupa ang masamang pakiramdam at muling nakakabalik sa mga dating gawain sa mag susunod na araw. May pagkakataon na nangangailangang bigyan ng mga gamot tulad ng paracetamol kung nilalagnat, aluminum magnesium hydroxide sa pananakit ng tyan, o di kaya, mga NSAIDs o anti-inflammatories para sa mga pananakit at kirot ng katawan. Karamihan naman ng mga ito ay mga OTC or over the counter drugs. Mabibili ng walang reseta ang mga gamot na ito. Katulad ng mga home remedies, inaasahan din natin na gumanda ang kundisyon ng mga may sakit.

Kadalasan sa mga sintomas na ito ay nawawala naman sa loob ng ilang araw at hindi na kinakailangan magpatingin pa sa doktor. Ngunit kung sakaling hindi nawala ang nararwaamdaman, lumala ang kundisyon, lumipat ng lugar o lumawak ang sinasakupan ng kirot at pananakit, kinakailangan nang magpatingin. Kabilang din dito ang ilang sintomas tulad ng paghirap sa paghinga, pagtindi ng kirot ng dibdib, tyan o balakang. Kasama din ang pagbawas ng timbang, naiba o nagbagong pagdumi o pagihi, mag pagbabagos a paningin, pandinig o paglunok, pati na din kung parang nalilito, naliliyo, naduduwal at nasusuka, hindi makakilos at makalakad. Mas higit kung magkumbulsyon o mawalan ng malay.

Sa mag ganitong pagkakataon, importante nang kumuha ng ekspertong opinyon, hindi lang para maeksamin ng inyong doktor kungdi magawan ng mga laboratoryo at imaging para malaman ang sanhi ng problema at mabigyan o magawan ng nararapat na lunas. Ayaw nating lumala ang sakit dahil sa posibilidad na matagalan ang paggaling, pati na din magkaroon ng mga karagdagang kumplikasyon. Higit sa lahat kung lalala ang sakit, maaring mas maraming panahon at proseso pang kailangang pagdaanan para malaman ang dahilan at masolusyunan ang nararandaman. Hindi malayo din na magkaroon ng posibilidad na mas mamahaling gamot ang kailanganin, maospital pa o di kaya mangailangan ng operasyon.

Kaya kung may maramdaman kakaiba, huwag balewalain, ipahinga at bigyan ng lunas, kung hindi ito epektibo, magpatingin na.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Get Vaccinated!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.