Una sa Balita

Kai target ng kentucky, georgia tech, depaul

0 533

PATULOY na kumukuha ng atensiyon sa mga collegiate scout sa Amerika ang 17-anyos basketball prodigy na si Kai Sotto mula nang mag-ensayo ito sa practice facility ng NBA team na Atlanta Hawks.

Sa ilang mga video na binahagi ng trainer ng tinaguriang ‘Kaiju’, makikita ang improved handles nito, ganon din ang nagkalamang katawan maging ang umayos na porma ng kanyang shooting.

Nagbunga ang pag-eensayo ni Sotto, sinungkit ng Atlanta-based basketball program na The Skill Factory, na naging tulay para makilala ang kanyang pangalan sa mga scout.

Sa mga sunod-sunod na laro din ni Sotto ay umarangkada na rin ang pangalan niya sa NBA Draft Class for 2020, na maaari na niyang pasukin dahil sa rule ng liga na kailangan lang ay isang taon ang nakalipas matapos maka-graduate­ sa high school.

Sa 2020 Top ESPN 100 recruiting players, nasa ika-75 ang pangalan ni Kai, pagdating naman sa posisyon nitong sentro ay nasa 11th spot siya at naging four-star recruit na rin ayon sa credible sports site.

Dahil dito ay biglang bumuhos ang fillers ng mga nais makasungkit sa serbisyo ng Pinoy prodigy.

Unang nagpatakam si Kai sa Kentucky University, na isa sa mga dominanteng programa sa US NCAA na hawak ang record ng all-time wins na 2,293 at may pinakamataas ding winning percentage sa .765.

Nitong Martes, oras sa Manila ay nakipagkita sina Sotto at kanyang tatay na si Ervin kay Kentucky Wildcats coach John Calipari para sa isang unofficial visit sa naturang unibersidad.

Isang araw lang ang nakalipas ay dalawang koponan pa ang nagpakita ng interes kay Sotto.

Unang bumisita si Kai sa Georgia Tech kung saan makikitang nakasuot na siya ng jersey ng naturang eskuwelahan ay may pa-standee pa para i-welcome ang Pinoy hooper para rin sa kanyang unofficial visit sa campus grounds.

Dito ay sinalubong siya ni Yellow Jackets coach Josh Pastner, at kung sakaling matuloy dito si Kai ay may malaking tsansang maging star player ng koponan na salat sa division title buhat noong 2014.

Isa pang nagparamdam ay ang DePaul University Blue Demons nang mag-home visit ang coach ng koponan na si coach Dave Leitao kay Kai. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More