Una sa Balita

Kai Sotto, Yao Ming ng Pilipinas

By
0 2,076

DAHIL sa tikas at tangkad ni Kai Sotto, talagang maihahalintulad nga ang basketball star sa Chinese giant na si Yao Ming.

May taas na 216 cm o 7-foot-1 si Sotto na kasalukuyang nakiki­pagbakbakan kasama ng national team sa 2018 FIBA Under-17 Basketball World Cup.

Hindi maipagkakaila na sa edad na 16 ay marami nang naabot si Sotto.

Kaya’t hindi maalis sa isipan ng maraming Filipino ang ikumpara ang Pinoy pride sa Chinese great na si Yao Ming.
Si Kai Sotto nga ba ang bagong star ng basketball sa Asya? At susundan nga ba niya ang yapak ng Chinese basketball star sa NBA?

Ipinanganak noong May 11, 2002 si Kai Sotto, panganay na anak ni professional Filipino basketball player Ervin Sotto.

Hindi na nasorpresa ang basketball fans nang tahakin rin ni Kai ang mundo ng basketball.

Apat na taong gulang nang magsimulang magdribol at mag-shoot si Sotto.

At sa edad na 13 ay may taas na siyang 6’9” at doon ay pinasok na siya sa Ateneo Junior High School sa Manila.

Pinarangalan si Kai ng junior title at MVP award sa 2018 UAAP dahil sa magandang performance nito sa Blue Eaglets basketball team.

Doon ay nagbigay siya ng maraming oras sa pag-ensayo at mas pinagtuunan ng pansin ang kaniyang bilis sa basketball court.

“My height affects my speed whenever I switch positions with the guards,” sabi ni Sotto.

Hindi rin nagpatinag si Sotto sa international stage nang lumipad siya kasama ang Philippine nationals para sa 2018 FIBA U16 Asian Championship sa China.

Sa lahat ng laban ng Pilipinas kontra Asya, naging top scorer si Sotto kaya’t itinanghal siya bilang tournament’s best player.

Hindi lang tangkad ang mayroon si Sotto kundi pati lakas at galing sa loob ng basketball court gaya ni Yao Ming kaya’t nakuha niya ang atensyon ng NBA.

Parehong nagsimula bilang sentro si Kai at Yao at sa parehong ring edad sila nadiskubre ng kanilang bansa.

Sa Junior camp na inorganisa ng American sports league ay itinu­ring ng New Orleans Pelicans na espesyal na manlalaro ang batang si Sotto.

Nagpakitang-gilas na rin si Sotto sa Impact Basketball camp sa Las Vegas at nakalaro na ang NBA star na si LeBron James sa 2017 Manila tour nito.

Kabilang si Sotto sa national team’s 23 for 23 squad na sasabak sa 2023 World Cup.

Matinding training ang kaniyang isinasagawa para mauwi ang inaasam na mga cham­pionship sa Ateneo maging sa Pilipinas.

“You can expect from me to get better and better. I won’t settle for a mediocre performance. I want to be all-out in every game and play with unceasing heart”. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More