Una sa Balita

Kai Sotto susungkitin ang NBA dream

GOODBYE GILAS!

By
0 414

Binasag ni Kai Sotto ang balita, nakapagdesisyon na raw siya at ng pamilya na hahabulin niya ang pa­ngarap na maglaro sa NBA.

Ibig bang sabihin ay gudbay na sa Ateneo sa UAAP?

Sa Instagram, nag-post si Kai (kzsotto) ng tinawag niyang ‘message to all Filipino basketball fans.’
May timetable na rin siyang target sa pagbabaka-sakaling makapasok sa NBA.

“Nakapag-decide na po ako at ang pamilya ko. I’ll be leaving soon to start training full-time,” aniya. “I want to devote the next two to three years to single-mindedly focus on my goal of joining the NBA by 2021 of 2022.”
Sa edad 16, tumangkad ng 7-foot-2 ang anak ni dating PBA player Ervin Sotto at naging dominanteng sentro ng Blue Eaglets sa juniors division ng UAAP.

Naging mukha rin siya ng Team Pilipinas youth squad, at isinama pa ni coach Yeng Guiao sa pool ng men’s national team sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pupunta na raw agad siya ng US para umpisahan ang misyon.

“After a lot of effort by me and my Dad to assess all the opportunities presented to me, I strongly feel (with his advice and the advice of other experienced mentors) that leaving immediately to start my training and getting the right exposure will go a long way to help me realize my dream,” dagdag ni Kai.

Pinag-isipan niya raw ng matagal bago nagdesisyon.

Maghahasa raw siya, pero hindi ibig sabihin na tatalikuran na ang National team.

“Para poi to sa future ko, ng pamilya ko, at especially po, para sa Batang Gilas, Gilas Pilipinas, at higit sa lahat, para sa bayan!” lahad pa ni Kai.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy