Una sa Balita

Kai Soto, Batang Gilas papalag kontra Malaysia

By
0 1,021

Handa at hindi nagkukumpiyansa ang FIBA-ranked No. 30 na Pilipinas – Batang Gilas sa krusyal nitong unang laro ngayong hapon kontra karibal na ranked 95 na Malaysia sa pagsisimula ng FIBA Under-16 Asian Championship sa Lingnan Mingzhu Gymnasium sa Foshan City, China.

Maagang dumating ang Batang Gilas sa Foshan upang agad makapag-ensayo sa torneong didribol Abril 2-8. Nais ng tropang sapawan ang pinakamataas na nakamit na ikalawang puwesto nung 2013 sa Tehran, Iran.

Kaangkla ng Batang Gilas sa Group B ang Malaysia at Australia, magkakasama sa Group A ang tatlong beses naging kampeon na China, New Zealand at Hong Kong, habang nasa Group C ang Iran, Chinese Taipei at Macau. Nasa Group D ang defending champion Korea, Japan, Lebanon at India.

Paparada sa Batang Gilas sina 6’4 small forward Rafael Go; 6’7 power forward Raven Angelo Cortez; 6’11” shooting guard Mclaude Guadana; 5’11” pointguard Jorick Kyle Bautista;
5’11” pointguard Terrence John Fortea; 7’1 center Kai Zachary Sotto; 6’1 shooting guard Recaredo Christian Calimag; 6’4 small forward Joshua Rafael Lazaro; 5’11 pointguard Rence Keith Sean Padrigao; 6’5 power forward Yukien Andrada; 5’11 shooting Guard King Balaga at 6’8 center Shaun Geoffrey Chiu.