Una sa Balita

Kai purnada sa Mighty

0 384

Laro bukas: (Al Shabab Club)
11:00pm — UAE vs Mighty Sports

HINDI makakapaglaro ang 7-foot-2 young basketball star na si Kai Sotto para sa Mighty Sports sa Dubai International Basketball Tournament.

Ayon sa koponan, nagkaaberya sa logistics at sa schedule si Sotto kaya hindi na makakasama kina former Ateneo star Thirdy Ra­vena, ex-NU standout Dave Ildefonso at UP star Juan Gomez de Liano sa nasabing torneo.

Sa kabila nito, nangako ang Mighty Sports-Creative Pacific Team na hindi maaapektuhan ang tsana ng koponan, suportado rin ng Go-for-Gold, Gatorade at Oriental Game.

Kumpiyansa pa rin si coach Charles Tiu na magpapakitang-gilas sina naturalized Filipino Andray Blatche, veteran Renaldo Balkman, McKenzie Moore, Jelan Kendrick at Beau Belga kahit wala si Sotto.

Kukumpletuhin nina Joseph Yeo, Ja­rell Lim, Jamie Malonzo, Javi Gomez de Liano, Joaqui Manuel, Gab Banal at Mikee Williams.

Sabak agad ang Mighty kontra UAE Huwebes alas-11:00 nang gabi sa five-team Group B.

Pagkatapos ng UAE, makakatapat ng Mighty ang Al-Itihad ng Syria sa Biyernes, parehong oras.
“We’re all hoping we can bring more excitement to the Filipinos in the Emirates so we hope we can hurdle our first two games,” sabi ni team owner Alex Wongchuking. (AE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More