Una sa Balita

Kai papakitang gilas sa nba-fiba

0 310

DAGDAG karanasan kay Kai Sotto ang pagkakasama sa lineup ng mga kabataang napipili sa Basketball Without Borders Global Camp sa Chicago sa darating na Pebrero 14-16.

Inihayag ng National Basketball Association (NBA) at International Basketball Federation (FIBA) nitong Sabado sa Manila, na Top 64 boy at girl mula sa 34 bansa at rehiyon ang pasok sa event na parte ng NBA All-Star 2020 sa Quest Multisport sa Chicago.

Hahawakan ng mga coach ang mga top high school age camper mula Africa, America, Asia at Europe na sina 2020 NBA All-Star Pascal Siakam (Toronto Raptors; Cameroon; BWB Africa 2012), Davis Bertans (Washington Wizards; Latvia), Tacko Fall (Boston Celtics; Senegal) at 2017-18 NBA All-Rookie First Team member Lauri Markkanen (Chicago Bulls; Finland; BWB Europe 2014; BWB Global 2015).

Makakasama nina Siakam, Bertans, Fall at Markkanen ang mga dating WNBA player na sina Ashley Battle, Michele Van Gorp at Ebony Hoffman, pati na rin ang mga piliping player na lalaro sa NBA All-Star 2020.

Sina Chicago Bulls assistant coach Karen Stack Umlauf, Milwaukee Bucks assistant coaches Vin Baker, Josh Longstaff at Ben Sullivan, at Chicago Sky player development director John Azzinaro ang magsisilbi namang mga BWB Global coach.

Tampok sa camp na kasama si Sotto ang kasalukuyang 15 prospect ng NBA Academy, ang network para sa elite basketball training center ng liga sa buong mundo para sa nangu­ngunang lalaki at babae na mula sa labas ng US.

Gayunding ang 12 prospect pa na kalahok sa The NBA Academies Women’s Program, na serye ng basketball development camp para naman sa mga top female prospect sa labas ng US at acade­my ng liga. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More