Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai ‘nilamon’ mga kalaban

0 464

MULING nagpasiklab at nakaagaw-eksena si Pinoy NBA prospect Kai Sotto nang ma-feature na naman ito sa sports network na ‘Overtime’.

Sa official Instagram story ng nasabing network ay makikitang nilalamon ng dating Ateneo star na si Kai ang mga dumidepensa sa kanya sa isang 5-on-5 scrimmage.

Maiispatan din sa nasabing IG story na patuloy pang bumabangis sa laro ng 7-foot-2 na si Sotto kung ikukumpara sa mga naunang lumabas niyang video.

Bukod sa Chooks-to-Go NBTC star player ay kasama rin niyang umaarangkada sa court si Fil-Am Sage Tolentino.

Hindi man nagsama nang matagal sina Kai at Sage sa iisang court ay ramdam ang kanilang ‘koneksyon’ sa team play.

Nakatakdang maglaro sa NBA G-League si Sotto subalit wala pang petsa kung kalian ito magsisimula dahil pa rin sa banta ng pandemic coronavirus. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.