Una sa Balita

Kai naispatan sa Auburn University

0 340

MATAPOS pumasyal sa Georgia Tech at Kentucky University nitong 2019, naisapatan naman ngayon si Kai Sotto sa NCAA Division I school na Auburn University sa Alabama upang makipagkita kay Eagles head coach Bruce Pearl.

Sa Instagram post ng 7-foot-2 center, makikita si Kai na nanonood ng basketball training ng Auburn Eagles at nagsagawa ng kaunting shooting sa mismong court.

Kamakailan ay nag-school visit din si Kai sa NCAA Division I schools na Georgia Tech at Kentucky University.

Kasalukuyang nagte-training si Kai sa ‘The Skill Factor’ sa Atlanta at nakatakdang maglaro para sa Mighty Sports na lalahok sa Dubai International Basketball Tournament. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More