Una sa Balita

Kai maglalaro sa Atlanta

0 577

SUMANG-AYON si Filipino ­basketball phenom Kai Sotto na maglaro sa Atlanta-based squad na The Skill Factory (TSF) sa Amerika.

Ito ay matapos ianunsyo ni Kai, 16 sa kanyang YouTube channel ang kasunduan sa squad pati na rin sa paglaro sa national team.

Ang TSF ay isang organisasyon na nagbibigay sa mga kabataan ng pagkakaroon ng development sa mga ball sports partikular na sa basketball at volleyball.

Sa pagsali ng 7’1 center sa TSF basketball squad ay asahan na makikilahok ito sa iba’t ibang torneo na gaganapin sa United States.

Tulad ni Kai, inanunsyo rin ng TSF ang commitment ng former Ateneo behemoth sa kanilang liga kasama ang game highlights ni Kai. ­(Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy