Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai kakayod sa G-League

0 151

KAHIT pa-‘big time’ na si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto dahil nalalapit na ang pinapangarap na makapaglaro sa United States major cage leageue, lumilingon at hindi siya sa kanyang pinanggalingan.

Malaki ang pasasalamat ng 18-year-old 7-foot-2 Pinoy baller sensation, kaya bilang ganti, alay niya at gagawin ang lahat ng makakaya para maging proud ang mamamayang Pilipino sa kanyang nalalapit na pro career.

“Me being a full-blown Filipino trying to make it to the NBA, they [Filipino] really support me,” pahayag ng tubong Las Piñas City sa NBA G-League na nakatakda muna niyang sabakan ang ika-19 na edisyon nito sa 2021. “I work every single day to get better for me to reach that goal.”

Tiniyak din ng basketbolista na hindi lang pansariling interes ang layunin niyang makatuntong sa NBA kundi para bitbitin rin ang watawat ng Pilipinas. (Aivan Denzel Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.