Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai huhugutin sa 2nd round

0 111

MULING napasama si Kai Zachary Sotto sa mga posibleng mapipili sa nalalapit papasok na buwang 76th National Basketball Association 2022 Draft base sa mock draft ng isang sports website.

Ipinalalagay na matatapik ang 18-anyos at may taas na 7-3 Pinoy cage phenom mula sa Las Piñas na matatapik sa second round o 55th overall, ayon sa mock site ng Nextones.com nitong Sabado kung saan nakatakdang pumili ang Golden State Warriors na pinangungunahan nina Stephen Curry at Draymond Green.

Kamakailan lang binanggit din ng Sports Illustrated na malaki ang tsansa ni Sotto na mapipiling 49th sa isinagawa rin nitong mock draft para sa Sacramento Kings.

Huling sumabak si Sotto sa sa New York Knicks camp bago nagtungo sa Orlando Magic.

Bago ito, nagpost si Sotto ng kanyang larawan sa loob ng locker room ng Magic habang umaasang mapapabilib ang mga coach at scout bago ang 2022 NBA Draft sa Hunyo 23 sa Barclays Center sa Brooklyn, NY.

Hawak ng Orlando ang No. 1 overall pick sa draft ngayong taon gayundin ang dalawang pick sa second round na pang-32 at pang-35. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.