Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai hahabol sa G-League

0 378

NAUDLOT ang seniors debut ni Pinoy cager Kai Sotto kasama ang Gilas Pilipinas national men’s basketball team matapos mapurnada ang final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar.

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas nitong Biyernes na hindi na matutuloy ang third window ng torneo na nakatakda sa Pebrero 17 sa nasabing bansa.

Ayon sa naunang ulat, ginagawan na ng paraan ng SBP upang makalipad palabas ng bansa ang 7-foot-3 big man upang makapiling ang Ignite sa ongoing 2021 NBA G League season.

Nitong Huwebes (Manila time), pasiklab ang Ignite sa kanilang debut sa 2021 NBA G League kontra sa kampo ni veteran guard Jeremy Lin at ng Santa Cruz Warriors, 109-104 sa laban na ginanap sa Walt Disney World sa Bay Lake, Florida bubble.

Lumipad nitong Pebrero 2 pabalik ng bansa si Sotto, hindi nakapiling ang Ignite, upang makasama ang Gilas Pilipinas national squad na nagkaroon ng bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. (Abante Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.