Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai, Dwight 50-50 sa Gilas

0 201

NAHAHARAP ang Gilas Pilipinas sa malaking kawalan ng players sa nalalapit na February window ng 2023 FIBA World Cup qualifier sa Araneta Coliseum.

Ito ay dahil hindi inaasahang makakalaro ang ilang miyembro nito na imports sa mga liga sa labas ng bansa.

Aminado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na hindi lamang ang problema sa iskedyul ng training kundi pati na rin ang nagaganap na travel restrictions at quarantine procedure ang humaharang sa mga player na nasa labas ng bansa para maglaro sa national squad sa Pebrero 24-28.

Isa na dito ang 7-foot-3 na si Kai Sotto na kasalukuyang naglalaro sa Adelaide 36rs sa Australia, maging si Jordan Heading na kasalukuyang nasa Taiwan kasama ng Taichung Wagor Suns sa T1 League.

Naglalaro naman sa Japan B.League sina Thirdy Ravena, Dwight Ramos at Kobe Paras.

Ang Gilas ay binubuo sa kasalukuyan ng mga mas bata na 16-man pool na nagsasanay na simula pa noong Nobyembre at inaasahang bubuo sa listahan ng Gilas para sa FIBA qualifier.

Ito ay sina naturalized center Ange Kouame kasama ang Gilas cadet na sina Isaac Go, Rey Suerte, Matt Nieto, Allyn Bulanadi, Mike Nieto, William Navarro, Jaydee Tungcab at Tzaddy Rangel.

Kasama nila sa ensayo sina Belgrade OQT member Justine Baltazar, SJ Belangel at Carl Tamayo, Ateneo bet Dave Ildefonso, Geo Chiu at Jason Credo at mula St. Benilde na si Ladis Lepalam. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.