Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai alas depensa, hablot ng rebound

0 92

KIKILATISIN ang Pilipino center na si Kai Sotto na patuloy na naghahanda sa pagpapakita ng kanyang all-around game sa nakatakda nitong pakikipagkita sa 12 koponan sa NBA bago ang Rookie Draft sa susunod na buwan.

Ang 7-foot-3 center, na nakatakdang mag-ehersisyo kasama ang 12 NBA teams, ay nakatuon sa pagpapabuti sa shooting, rebounding at pagdepensa.

Si Sotto ay kasalukuyang nagsasanay sa Atlanta bago sumalang sa 2022 NBA Draft sa Hunyo 15.

Naniniwala ang standout ng Ateneo high school na isa sa kanyang lakas ay ang pagprotekta sa board ngunit mas ginagawa pa rin niya ang kanyang depensa para sa mga guwardiya at mas mabibilis na manlalaro.

Kumpiyansa si Sotto na ang kanyang Australia National Basketball League stint sa Adelaide 36ers ay naghanda sa kanya sa NBA matapos mag-average ng 7.6 puntos sa 51-percent field goal kabilang ang 39-percent shooting mula sa ilalim at nagkaroon ng 4.5 rebounds at 0.7 blocks sa loob ng 15.2 minuto sa 23 laro.

Higit sa posibleng pagiging kauna-unahang homegrown Filipino na naglaro sa NBA, sinabi ni Sotto na bahagi ng layuning iyon ay magbigay ng inspirasyon sa mga nakababatang henerasyon sa Pilipinas. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.