Una sa Balita

Kahit walang yosi o vape puwedeng magka-lung cancer

0 517

Alam ba ninyo na kahit gaano pa kaseksi ang katawan ng babae o kahit ikaw pa ang pinaka-machong lalaki sa buong mundo ay maaari kang magkaroon ng lung cancer?

At kahit sabihin mong nag-iingat ka at wala kang bisyo tulad ng sigarilyo, electronic cigarettes o vape ay puwede ka pa ring tamaan ng lung cancer ayon sa VeryWellHealth na isinulat ni Lynne Eldrige.

May dalawang uri kasi ng lung cancer, una ang squamous cell lung cancer na tumutubo sa daluyan ng hangin at ang mga sintomas nito ay ang matigas na pag-ubo at pag-ubong may kasamang dugo.

Ikalawang kanser naman ay ang adenocarcinomas na tumutubo sa labas na bahagi ng baga at ang mga sintomas nito ay ang hirap na paghinga at pakiramdam na laging pagod.

Sa totoo lang, mataas ang porsiyento o bilang ng mga may lung cancer na dati ay naninigarilyo kahit na matagal na silang tumigil sa bisyong ito basta nagdaan sa paninigarilyo.

Sa mga hindi naninigarilyo na nagkaroon ng kanser, sampu hanggang labinglimang porsiyento sa mga ito lamang ang may lung cancer, ibig sabihin malaki rin ang tsansa kahit hindi naninigarilyo.

Ang mga hindi nasubukang manigarilyo kahit kailan, kabilang na ang mga nanigarilyo pero tumigil din kaagad tapos nagkaroon ng lung cancer, lumalabas na two-thirds sa mga ito ay babae.

Sa kabuuan ng mga nagkaroon ng lung cancer ay umaabot sa dalawampung porsiyento ang kahit kailan ay hindi nakaranas manigarilyo sa buong buhay nila ngunit nagpabaya, kaya ito pa ang naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Ngunit matibay ang mga pag-aaral na ang mga taong nagkaroon ng lung cancer ay madaling gamutin kung hindi sila nanigarilyo kahit kailan at malaki ang tsansa nang paggaling kumpara sa mga nanigarilyo.

Ang itinuturong dahilan kaya nagkakaroon ng lung cancer ang isang hindi naninigarilyo ay ang secondhand smoke o ang nalalanghap na usok mula sa isang naninigarilyo ng isang hindi naninigarilyo.

Isa pang pinagmumulan ay ang radon gas o radioactive gas na mula sa kalikasan at naiipon sa loob ng gusali o tahanan kung saan nananatili ang isang tao, posible ring dumaan ang singaw sa bitak ng semento patungo sa loob ng bahay.

Ang asbestos exposure ay isa rin sa sanhi ng mesothelioma o isang kanser ng gilid o lining ng baga; meron ding aerosolized oil o usok mula sa pinainit na mantika sa pagluluto .

Malaki rin ang tsansa na magkaroon ng lung cancer kung may lahi ang kaniyang mga magulang o kapamilya ng ganitong uri ng sakit kaya mas higit na pag-iingat ang kailangan.

Tandaan natin na nakamamatay ang lung cancer at ang paninigarilyo at secondhand smoke ang pangunahing sanhi kung bakit nagkakaroon nito ang isang tao, kaya marapat lamang na magalit ang isang tao kapag may walang pakundangang nagbubuga ng usok sa kaniyang tabi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy