Una sa Balita

Kahit walang Thirdy, Cignal-Ateneo matindi

By
0 531

HINDI nakapaglaro si Thirdy Ravena, pero matikas pa ring inumpi­sahan ng Cignal-Ateneo ang kampanya sa PBA D-League nang hagupitin ang Go for Gold-CSB 103-75 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

May kinailangang tapusin si Ravena sa eskuwelahan, si Isaac Go ang bumuhat sa Blue Eagles nang sindihan ang 24-3 run sa second quarter para pabukahin ang four-point lead sa 44-17.

Tumapos si Go ng 21 points mula sa 4 for 6 shooting sa labas ng arc tungo sa 1-0 card ng Cignal-Ateneo sa Aspirants Group. Kumana ng limang 3-pointers si Adrian Wong tungo sa 17 points, may sahog pang 5 rebounds at 4 assists. Umayuda si Matt Nieto ng 14 points at 7 assists.

Pati si coach Tab Baldwin, nasorpresa sa inilaro ng mga bataan.

“This isn’t how we play in the UAAP. We’ll press a lot more, we’ll do a lot of other things that we really can’t do when our numbers are down,” aniya. “So offensively, I was surprised we played pretty well.”

Dinomina ni Ateneo big man Angelo Kouame ang paint sa ibinabang 18 rebounds panahog sa 13 points, may 4 blocks at 2 steals pa.

Namuno sa Foundation Cup champion Scratchers si Justin Gutang na may 21 points.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy