Una sa Balita

Kahit walang Soltones, Baste palaban pa rin

By
Soltones at Prado
0 120

Mga laro sa ­Enero 4, 2018: (The Arena, San Juan City)
12:00 nn. – ­SSC-R vs EAC (W)
1:30 p.m. – AU vs MU (W)

Agad magsasagupa ilang araw matapos ang Bagong Taon ang Mapua University at ang nagtatanggol na kampeong Arellano University sa pagbubukas sa ­Enero 4, Huwebes, ng 93rd National Collegiate Athletic Association 2018 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Una munang magsasagupa ang kapwa nagpalakas na San Sebastian College at ang Emilio Aguinaldo College sa ganap na alas-12:00 ng tanghali bago ang tampok na salpukan sa nagnanais mapanatili ang koronang Lady Chiefs kontra Lady Cardinals sa ikalawang laro sa ala-1:30 ng hapon.

Sisimulan ng pumangalawa ng nakaraang taon na Lady Stags ang kampanya na hindi na kasama ang ilang beses na nag-MVP na si Grethcel Soltones sa laban naman sa Lady Generals na asam umahon sa maaga nitong pagkakapatalsik na kampanya.

Nakatuon naman ang Lady Chiefs sa pangkalahatan nitong ikatlong korona sa women’s matapos na unang magwagi noong 2014 kahit wala na sina Ria Sante, Eunice Galang at Jonalyn Ibisa.

Natapos na ng tatlo ang kanilang mga playing years sa liga sa pagsisimula ng kampanya kontra Lady Cardinals na asam makapasok sa Final Four.  

Kontender pa rin ang Lady Chiefs na matatandaang umahon sa kabiguan sa unang laro sa kampeonato sa tulong ni Finals MVP Jovielyn Prado upang biguin ang may bitbit na thrice-to-beat na bentahe sa kampeonatong Lady Stags upang matamis na iuwi ang ikalawang korona sa loob ng tatlong taon na pagsali sa disiplina. ­