Una sa Balita

Kahit walang Kalei Mau, women’s volley papalag

0 445

WALA pa ring preno sa paghahanda ang Philippine women’s volleyball team para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay coach Shaq delos Santos, maayos ang kanilang preparasyon at nireremedyuhan na nila ang mga problemang kanyang nakikita.

“Kami, for us good thing na na-discover pa namin ‘yung mga pagkukulang namin,” saad ni coach delos Santos matapos ang PSL Super Cup noong nakarang Linggo.

“And talagang binibigay namin sa kanila ‘yung buong tiwala naming­ mga coaches at ‘yung mga boss ­namin. Never kaming mag-stop para maibigay namin 100% ‘yung goal namin para sa country.”

Bagama’t hindi narin makakapag­laro si power hitter Kalei Mau para sa bansa, tiniyak naman ni delos Santos na handa ang kanyang mga manlalaro na dumiliber sa SEA Games.

Unang makakaharap ng Pinay spikers ang Vietnam sa darating na Disyembre 3, sunod ang Thailand sa Disyembre 5 at Indonesia sa Disyembre 7 sa PhilSports Arena sa Pasig City. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy