Una sa Balita

Kahit wala sa fam photo ‘Andre loves me’ — Jackie

By
0 2,861

Nakakatuwang tingnan ang mga latest Instagram photos ni Jackie Forster. Pictorial ‘yon na ang konsepto ay pamilya, at ang sarap tingnan na kasama nila ng mister niya, pati na ng tatlong mga anak niya, at ang anak niya kay Benjie Paras na si Kobe Paras.

Well, makikita naman kung gaano na ka-close ulit sina Jacki­e at Kobe. Pero, ang dami pa ring nagtatanong, anyare at bakit hindi kasama si Andre Paras sa mga picture na ito? At bakit hindi rin madalas nakakasama ni Jackie si Andre? Parang mula noong nagkaayos-ayos na sila, isang beses pa lang nakita ng netizens na magkasama sina Andre at Jackie?

Sabi nga, mas masaya sana kung makita sila ang magkakasama, sina Jackie at mister niya ngayon, ang tatlong mga anak nila, at pati na sina Andre at Kobe.

“This was once just a ‘dream sequence’ for me, yesterday it was my reality. I tried to savor every minute while keeping everyone on track and organized.

“While one of my babies wasn’t able to make time, the other one was there. So what do I do???? Focus on all these beautiful kids in front of me, right??? Right.

“Keeping my eyes on the Lord, while I patiently wait on His time to make ALL things right.

“One thing I know for sure is that Andre loves me. That’s enough for me at the moment. That’s more than what I had not so long ago. This mama is keeping it positive. A grateful heart is a blessed heart.”

Heto pa ang isa:

“When the Lord answers, He gives a peace and joy that nothin­g else can bring! Speakin­g the same for those of you seekin­g this in His Mighty Name #myriches @theconceptroomstudio @niceprintphoto. @_kokoparas @jared_therockstar. @caleighsimone #yohandsomef.”

Anyway, ‘Love You Guys’ at ‘Peace and love mama’ ang sweet na sweet na comment naman ni Kobe sa mga photo niya na kasama ang mga kapatid niya. ()