Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit wala pang COVID bakuna face-to-face klase kinakasa

0 634

Kahit maraming tutol at mungkahing i-extend ang pagbubukas ng klase , hindi iuurong ng Department of Education (DepEd) ang August 24 na pagsisimula ng araw ng pasukan.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magbabago ang kanilang paninindigan sa August 24 dahil ito aniya ang nakasaad sa batas.

Handang-handa na aniya ang bawat rehiyon para sa bagong sistema ng pagtuturo na blended learning matapos ang masinsinang webinar ng lahat ng pampublikong mga guro sa bansa.

“Hindi kami nagbabago ng stand, Mr. President na August 24kasi yun ang nasa batas, last day of August. So August 24 magbubukas na ng klase whatever form it is. Ngayon handang-handa na ang regions,” ani Briones.

Ang pahayag ani Briones ay inilabas matapos makatanggap ng mga suhestyong nanawagan ng face-to-face classes sa ilang piling lugar.

“Sa tingin namin sa mga tinatawag nating low-risk areas pwede siguro payagan natin ‘yung limited na face-to-face pero may mga kondisyones,” paliwanag ni Briones.

Inamin din ni Briones na naimpormahan na ang Pangulo sa panukalang face-to-face classes.

Nag-pilot test na aniya ang DepEd ng blended learning sa Navotas at sa Siquijor at matagumpay ang naging resulta nito sa tulong na rin ng mga lokal na opisyal.

“Kanya-kanyang diskarte, adjust depende kung anong available na paraan. Pero ang bottomline, patuloy ang pag-aaral ng mga bata,” dagdag ni Briones.”

Matatandaang naging matiga ang Pangulong Duterte sa mga nagdaang mga pahayag na hindi nya papayagan ang face-to-face classes hangga’t walang bakuna kontra COVID.

“Para sa akin, bakuna muna. Kapag nandiyan ‘yung bakuna, okay na,” pahayag ng Pangulo noong Mayo . (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.