Una sa Balita

Kahit tutol ang mga LGU 42 Pinoy galing Wuhan buwenamano sa Fort Magsaysay quarantine

0 438

Kahit tutol ang gobernador at mga residente sa Nueva Ecija, nagdesis­yon ang national government na gamitin ang Fort Magsaysay bilang quaran­tine area para sa mga Pilipinong iuuwi mula sa Wuhan City China kung saan nagmula ang 2019 Novel Coronavirus.

Ito ang napagkasunduan sa ginanap na 46th cabinet meeting ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte nitong Martes ng gabi sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inatasan ng Pangulo si Health Secretary Francisco Duque na magtungo sa Fort Magsaysay sa Palayan City para paliwanagan ang mga opisyal at residenteng tumututol na dalhin­ sa kampo ang mga Pilipinong uuwi galing sa China.

“The President ins­tructed the Health ­Secretary to go to the site to properly address the people affected in detail,”­ ani Panelo.

Sa Pebrero 8 inaasahang darating sa bansa ang 42 Pilipino na nagpasaklolo sa gobyerno para ma-repatriate mula sa Wuhan City, China.

Ini-report aniya ni Duque kay Pangulong Duterte na inihahanda na nila ang isang gusali sa Fort Magsaysay para maging quarantine area.

Ang gusali ay bahagi ng ipinatayong rehabilitation center sa loob ng kampo na donasyon ng isang Chinese philantropist at kayang mag-accommodate ng sampung libo katao.

Sinabi ni Panelo na ang mga iuuwing Pilipino­ mula China ay lalapag sa Clark airport at ididiretso sa Fort Magsaysay.

“The arrival of the initial batch of repatriated Filipinos will be on Satur­day at the Clark Airport and transportation to Fort Magsaysay­ has already been prepared,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen ­Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More