Una sa Balita

Kahit trangkaso ‘di napigil si Ravena

By
0 1,584

NAITABLA ng NLEX sa 2-2 ang PBA Philippine Cup semifinals matapos tambakan ang Magnolia Pambasang Manok 91-79 Biyernes ng Gabi sa Game 4 sa MOA Arena.

Pasiklab si Kiefer Ravena ng 20 points, at five assists para pangunahang muli ang Road Warriors.

Binunyag ng dating King Eagle ng Ateneo na may trangkaso pa siya sa araw ng laro, dinaan lang sa gamot.

“Paggising ko, masama na pakiramdam ko,” aniya. “Then I took medicines and went to the practice before game time.”

Bago nilabas ni coach Yeng Guiao sa huling 1:25 minutos ng fourth quarter, kumana muna si Ravena ng 9 na dikit na puntos.

“Nilagay lang namin ang sarili namin sa sitwasyon na maganda medyo lumaki ang lamang namin coming of the fourth quarter if I’m not mistaken,” saad ng 24-anyos na basketbolista. “That lead was really something ayaw kong pakawalan kasi ang hirap kalaban ng Magnolia eh.”

“Pag lumamang sila grabe sila mag-alaga ng lamang,” dagdag niya. “And for us to get better, we have to learn how to take care of leads. Hindi pwede na lalamang ka ng malaki, bibigay ka tapos ilalaban mo sa dulo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy