Una sa Balita

Kahit sumabog, kasal malapit sa Taal Volcano tuloy pa rin

By
0 468

Hindi natigil ang kasal ng isang couple kahit bumuga na ng usok at abo ang Bulkang Taal kahapon, Enero 12.

Tuloy, naging backdrop sa kasal at reception nina Chino at Kat Vaflor sa Savannah Farm sa Alfonso, Tagaytay City ang phreatic explosion ng Taal Volcano.

May ilang natuwa, habang may mga nainis sa desisyon ng bagong kasal na ituloy ang seremonya.

“The flavor of the foods were black sesame and charcoal. Literally breathtaking 👀” ani @whalefraid.

Ayon kay Stephen Pearcy: “Great timing! :D”

“kung gusto nyo makaabot sa honeymoon nyo tumakbo na kayo,” ayon kay @kimbefinosa.

Sabi naman ni @soberamanpour: “No. Just no. This isn’t making the best out of a bad situation; it’s displaying insensitivity and sheer lack of concern for the safety of everyone in the event. These shots aren’t worth the trouble.”

“Beautiful Disaster,” sey ni @marcorecommends.

Nakataas pa rin sa Alert Level 4 o ‘hazardous eruption imminent’ ang status ng Taal Volcano hanggang ngayong Lunes, Enero 13, 2020. Ibig sabihin, inaasahan na ang pag-erupt ng Bulkang Taal sa loob ng ilang oras o araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More